24

Sep 24, 2021 @ 14:13
By

Role model! Barbie tyinaga pagpila sa voter’s registration

Alas-4 palang ng madaling-araw ay lumarga na si Barbie Forteza para magparehistro bilang botante sa darating na halalan.

“Nagsimulang pumila ng 4AM at ngayon ay rehistrado na ko!” caption ng aktres sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang litrato niyang nakaupo sa bangketa habang nakapila.

Kaugnay nito, hinikayat ng aktres ang hindi pa botante na magparehistro na.

“Puwede pa pong humabol sa pagpaparehistro para makaboto,” dagdag pa niya.

Nakatakdang magtapos ang voter’s registration period para sa Halalan 2022 sa Setyembre 30. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?