12

By

Rojas, Army Troopers inalpas ang IEM sa 5

Sharing is caring!

Inalpasan ng Philippine Army Troopers ang pahirap ng Instituto Estetico Manila (IEM) tungo sa five-set 25-18, 25-23, 22-25, 25-27, 16-14 win sa quarterfinal match ng PVL men’s volleyball Miyerkoles ng hapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Trangko sa opensa si Patrick Rojas para sa Troopers sa nirehistrong 16 na puntos sa likod ng 13 attacks at dalawang service aces, habang 15 puntos ang sahog ni Benjaylo Labide.

Hindi naging madali para sa Troopers ang panalo dahil pagdating ng ikatlo at ikaapat na set ay naghahabol sila sa IEM.

Sa mga naunang minuto ng ikalimang set ay umungos agad ang IEM at nagtala ng anim na puntos na kalamangan, 8-2, bago magpalit ng court.

Sa pagpalit ng court ay agad nang bumawi ang Troopers at tiyagaan nilang hinabol ang kalamangan hanggang sa masungkit ang panalo.

Samantala, sa panig naman ng IEM, 14 na puntos ang nabigay ni Gregorio Dolor at tig-10 naman sina Eden Canlas at Rudy Gatdula. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?