46

Dec 4, 2021 @ 22:19
By

Roider Cabrera ooperahan sa puso

Nakatakdang sumailalim sa angioplasty surgery ang manlalaro ng Terrafirma 3X3 na si Roider Cabrera.

Matatandaang nag-collapse si Cabrera ilang minuto matapos ang kanilang laro sa PBA 3X3 noong nakaraang linggo.

Ayon sa ulat ng Spin.ph, inatake sa puso si Cabrera at nananatiling walang malay sa pagamutan.

“We need more prayers for Roider. We’re still hoping for the best,” pahayag ni team manager Iby Bautista.

Maging ang mga kakampi ni Cabrera sa 3×3 team ay handang ibigay sa kanya ang mapapanalunan sa PBA 3×3 league.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?