11
broderick
By

Rohingya refugee, hindi dapat gamitin sa pamumulitika – Bishop

Sharing is caring!

Hinimok ng isang Katolikong obispo si Pangulong Rodrigo Duterte na seryosohin ang alok na pagtulong sa mga Rohingya refugee.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, patuloy na nagdurusa ang mga Rohingya refugee at hindi nararapat na sila ay magamit lamang sa pamumulitika.

Aniya, kung pagkakawanggawa ang alok ng Pangulo, wala ito dapat na kaakibat na kondisyon.

“If it’s a charity it should be unconditional, not tied up to what others should do.

“Have to be careful because it may just be another publicity stunt of Duterte,” saad ni Pabillo.

Nauna nang tinukoy ni Duterte na genocide ang nagaganap sa Myanmar at handa siyang tumanggap ng mga refugee sa Pilipinas.

Tinuligsa rin ni Duterte ang kabiguan ng international community na tugunan ang krisis sa Rohingya gayong patuloy ang kanilang pag-atake sa drug war ng kanyang administrasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?