31

By

Roger Yap rumesponde sa Stars

Sharing is caring!

Dinungisan ng Manila Stars ang dating walang talong Muntinlupa Cagers 100-86 sa Datu Cup ng MPBL Miyerkoles nang gabi sa Muntinlupa Sports Complex.

Hindi pinagbigyan ng Stars na makapagpakitang-gilas ang Cagers sa harap ng mga tagahanga nito at tinarak dito ang unang talo sa siyam na laro.

Para kay Manila coach Philip Cezar, sobrang hirap na talunin ang Muntinlupa dahil nasa sarili nila itong bahay at wala pa aniyang talo.

“Parang kalaban mo ‘yung Ginbera. Sobrang hirap nu’ng pinagdaanan kasi nga homecourt nila, tapos wala pa silang talo. Very challenging talaga ito sa amin,” wika ni Cezar.

Sinegundahan naman ni dating PBA player Roger Yap ang sinabi ni Cezar.

“Sobrang challenging ‘yun sa amin. Na-challenge kami nang husto na laruin sila sa home court nila, pero sobrang focused talaga kami na talunin sila,” wika ni Yap.

Gumawa rin ng panibagong record ang Stars nang dominahin nila ang Cagers sa fastbreak — 32 puntos habang dalawang puntos lang ang sa Muntinlupa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?