41
Roger Federer tuloy pa rin ang paghahari sa tennis
Feb 10, 2019 @ 15:11
By

Roger Federer tuloy pa rin ang paghahari sa tennis

Hindi inaasahan ng lahat ang maagang pagkatalo ni Swiss legend Roger Federer sa laban nito kay Stefanos Tsitsipas sa fourth round ng Australian Open.

Ngunit hindi naman ito naging dahilan upang huminto na ang 37-year-old Grand Slam Champion.

Sa press conference na ginawa ni Federer para sa paghahanda ng Laver Cup sa kanyang hometown sa Geneva, ibinahagi ni Federer ang kanyang mga layunin sa 2019.

“I really would like to make a good season start, maybe that could launch the clay season and Wimbledon but I think Wimbledon yes, the US Open and after also the Laver Cup and the World Tour Finals at the end of the year. I continue my career, I’m motivated, I feel good and I’m looking forward to the future.” pahayag ni Federer.

Dagdag nito, “The goal is always to have a level of play high enough to beat Rafa [Nadal] and [Novak] Djoko[vic] and as soon as it is so high so you can play against them and maybe win, that means that the classification will normally follow.

“For me, the classification at 37 years is not anymore the priority.”

Sa ngayon ang pokus muna si Federer sa papalit na Dubai Open, Indian Wells Open and Miami Open at Wimbledon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?