38

Jul 22, 2021 @ 21:11
By

Rodriguez nagpasalamat kay Duterte sa pangakong ayuda

Nagpasalamat si Rep. Rufus Rodriguez nitong Huwebes kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pangako nitong mabibigyan ng ayuda ang mga taga-Cagayan de Oro City, na ngayo’y nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

“We thank the President for the financial assistance, which will tide our families in the city over the enhanced community quarantine (ECQ) period. It would be a big help,” pahayag ni Rodriguez.

“They are not able to go out to work. They thus have no income. They are counting on the government to help them,” dagdag pa nito.

Isinailalim sa ECQ ang siyudad matapos may maitala ritong limang kaso ng COVID variant na Delta.

Nitong Miyerkoles ay siniguro ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi makakalimutan ng pamahalaan ang pagbibigay ng ayuda para sa mga lugar na ngayo’y nasa ECQ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?