Rodman, nag-plead ng guilty sa DUI

Sharing is caring!

Dalawang buwan matapos maaresto, nasentensiyahan ang dating NBA star at Basketball Hall of Fame member na si Dennis Rodman nitong Lunes ng tatlong taon na informal probation.

Ayon sa USA Today, nag-plead ng guilty si Rodman sa dalawang paglabag kasunod ng pagkaaresto nito dahil sa ‘driving under the influence’ sa Newport Beach, California.

Ang mga paglabag ay dahil sa ‘driving under the influence of alcohol’ at ‘driving with a blood-alcohol level above the legal limit’.

Bilang bahagi ng plea deal, kailangang kumpletuhin ni Rodman ang siyam na buwan na alcohol-education program at pinagbabayad siya ng $390 na multa.

Enero 11 nang parahin si Rodman, 56, kung saan nang i-test ang blood-alcohol level niya ay lumabas na .21 porsiyento ito, na lagpas sa legal limit na .08 posiyento.

Nakatanggap din si Rodman ng informal probation at nahatulan ng community service noong Pebrero 2017 matapos umamin ng pagmamaneho sa ‘wrong way’ sa Southern California freeway at pagsasabi ng maling impormasyon sa pulisya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?