137

Feb 6, 2020 @ 22:03
By

Rodman inayawan si Kobe

Mabigat man sa dibdib ni dating Chicago Bulls star Dennis Rodman ang pagkamatay ni NBA legend Kobe Bryant, hindi naman siya sang-ayon na palitan ng huli sa NBA logo si Jerry West.

“I’m a good friend of Jerry West. He’s been a mentor of mine for a long, long time. [It should] stay the way it is,” tugon ni Rodman sa petition ng mga fan na palitan ni Kobe si West sa NBA logo.

Salungat man ang kanyang opinyon, hindi naman nawawala ang respeto niya sa yumaong Black Mamba dahil para sa kanya, isa rin si Kobe sa nagbigay inspirasyon sa mga basketbolista.

“That’s a tough one,” ani Rodman sa pagkamatay ni Kobe.

“Kobe has the charisma for the signature of a logo, but I’m holding my vote on that one.” “I love you, Kobe. Rest in peace, baby. Love and respect, baby.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?