143

By

Rodman ibinangko ni Yao sa friendly match

Sharing is caring!

Pumunta si dating Houston Rockets at eight-time NBA all-star Yao Ming sa Pyongyang, North Korea noong Martes para sa isang friendly match sa pagitan ng Chinese at North Korean basketball players.

Pero maraming nagtatanong kung ibinangko nga ba ni Yao Ming si dating NBA superstar Dennis Rodman na naging kaibigan ni North Korean leader Kim Jong Un.

Ang senior ruling party official ang nanguna sa laro pero si Kim, na una nang hinarana ni Rodman ng isang birthday song noong Enero 2014, ay hindi dumalo.

Pinagsama ang mga babaeng manlalaro mula sa China at North Korean at bumuo ito ng dalawang koponan – ang Friendship at Unity – at nanaig ang Unity sa laro, 107-106.

“Today’s friendly match will be a display of top basketball skills and the great sportsmanship of all the players from both of our countries,” ani Kim Il Guk, ang North Korean minister of sports bago magsimula ang laro.

Si Yao Ming ang isa pinakamatangkad na manlalaro sa NBA, 7-foot-6, ang kasalukuyang nangunguna sa China’s Basketball Association.

Lumapag siya sa Pyongyang noong Lunes kasama ang matataas na delegasyon na katumbas ng sports minister ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?