By

Rodman, eeksena sa Trump, Kim summit

Sharing is caring!

Kahit hindi imbitado, magtutungo ang dating National Basketball Association (NBA) star na si Dennis Rodman sa Singapore para sa summit nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa June 12.

Sa Twitter post ni Rodman, sinabi nito na lilipad siya sa Singapore para suportahan ang kanyang mga kaibigan na sina Trump at Kim.

Noong 2017, binisita ni Rodman si Kim sa Pyongyang bilang isang pribadong indibidwal habang si Trump ay nakilala ang basketbolista bago pa ito naging presidente sa programang “Celebrity Apprentice.”

Gayunman, nang tanungin si Trump bago dumalo sa Group of Seven summit sa Canada, itinanggi nito na imbitado si Rodman sa makasaysayang pulong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?