326

Oct 11, 2017 @ 11:15

Rodjun Cruz, Dianne Medina engaged na

Inulan ng mga well-wishers at happy comments ang Instagram account nina Rodjun Cruz at nang kasintahan nitong si Dianne Medina kaugnay sa engagement proposal nang Kapamilya actor sa kanyang girlfiend.

Parang ang mga kaibigang sina Maja Salvador, Carla Abellana, Lovi Poe at iba pa ang nakatanggap ng proposal sa malaking reaksyon nila sa nakaposteng larawan ni Rodjun na naka-luhod hawak ang singsing habang nakatayo ang emosyal nang si Dianne.

Naganap ang proposal ni Rodjun sa Boracay nong martes nang hapon kasabay nang 30th birthday celebration nang aktor sa island kasama ang kanyang buong pamilya.

Sampung taong inabot ang relasyon nina Dianne at Rodjun, kaya maging ang kanilang mga kaibigan ay naiinip na sa kung kailan isi-serve nang huli ang kanyang marriage proposal sa una.

Komento ni Maja IG ni Rodjun,

@iammajasalvador, “yahoooo congrats kuya and D”

Sey naman ni Carla.

@carlaangeline, “SA WAKAS!!!!”

Ang araw nang proposal ang pinakamagandang regalo raw na natanggap ni Rodjun sa kanyang birthday.

@rodjuncruz, “Ang pinakamagandang regalo na natanggap ko ngayong kaarawan ko ay ang matamis mong oo!”

Sa IG wall naman ni Dianne, nakaposte rin ang parehong photo nila ni Rodjun.

Sey ni lovi sa kanyang comment,

@lovipoe, “Oh wowwwwww!! Finally! Kayo talaga ang inaabangan ko!! Congrats you guys!”

Sabi ni Diane sa caption ng photo,

@dianne_medina, “God’s perfect time love you @rodjun cruz @reyvercruz.”

Ang isa sa pinaka-natuwa sa proposal ay ang younger brother ni Rodjun at itinuturing na bestfriend na si Rayver Cruz.

@rayvercruz, “kay tagal kong hinintay ang araw na toh mahal na mahal ko kayog dalawa sobra congrats guys!”

Ilan pa sa mga celebrities na nag-comment ng kanilang kasiyahan sa proporal ay sina Diana Zubiri, Billy Crawford, Marjorie Barreto at iba pa.

Hindi pa humuhupa ang impact nang marriage proposal nina Iza Calzado at Ben Wintle, nagpa-usok naman sina Rodjun at Dianne. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?