566
Rodel Jayme hindi uploader ng ‘Bikoy’ video – Guevarra
May 2, 2019 @ 18:12
By

Rodel Jayme hindi uploader ng ‘Bikoy’ video – Guevarra

Nilinaw ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na ang kanilang nahuli ay hindi ang mismong uploader ng ‘Ang Totoong Narco list’ video ni alyas Bikoy.

Ayon kay Guevarra, hinuli ng National Bureau of Investigation si Rodel Jayme matapos makitaan ng mga ebidensya sa kanyang mobile phone at computer na nag-uugnay na siya ang administrator ng metrobalita.net na kung saan makikita ang mga link ng video.

“It appears that he was the one who started all of this by creating the website behind the subsequent uploading of the Bikoy videos. It’s just logical that the NBI starts with him,” ayon sa kalihim.

Tinitingnan din ng NBI, ayon kay Cybercrime Division chief Victor Lorenzo ang iba pang mga account at hindi lamang ang kay Jayme para mapalawak pa ang imbestigasyon sa isyu.

“As of now, we’re still conducting a further evaluation on that matter. We’re not solely looking at metrobalita.net. Our investigation catered to several accounts also,” saad pa.

Kinasuhan ng Cybercrime Prevention Act si Jayme, posible ring maharap sa Anti-Child Abuse Law dahil sa pagdawit ng Bikoy video sa bunso ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Kitty sa illegal drug trade.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?