72

Jan 5, 2020 @ 10:00
By

Rod Stewart nanuntok ng sekyu, kinasuhan

Inasunto si “Hot Legs” singer Rod Stewart dahil sa pananapak umano sa isang security guard sa hotel sa Florida.

Ayon sa BBC report, nangyari ang gulo nang hindi makapasok ang singer at mga kasama niya sa isang private event noong New Year’s Eve sa Breakers Palm Beach Hotel.

Tinulak umano ng anak ni Rod na si Sean ang security guard habang sinuntok ng una sa dibdib ang guwardiya.

Kinasuhan ang mag-ama ng “simple battery”.

Depensa ng security guard na si Jessie Dixon, gumawa ng eksena ang grupo ni Rod nang sitahin niya dahil walang permiso na makapasok ang mga ito sa isang event para sa mga bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?