259

By

Rocky Rivero ng Clique V nais sundan ang yapak ni John Lloyd

Sharing is caring!

Isa si Rocky Rivero sa tinitilian sa Clique V na binubuo ng siyam na guwapings na kabataan.

Bukod kay Rocky, ang iba pang miyembro ng Clique V ay sina Clay Kong, Marco Gomez, Sean de Guzman, Karl Aquino, Kaizer Banzon, Blaize Nicolas. Calvin Almojera, at Gabby Villamor.

Kamakailan ay napanood si Rocky sa pelikulang ‘Petmalu’ na pinagbidahan nina Diego Loyzaga at Marlo Mortel. Pero cameo role lang si Rocky sa pelikulang ito ni Direk Joven Tan.

Sa next movie niya’y magpapakitang gilas si Rocky dahil isa siya sa main cast ng advocacy film na ‘Codep’ na mula sa pamamahala ni Direk Neal Tan at prodyus ng 3:16 Productions ni Ms. Len Carillo.

“Kakatapos lang po ng indie film na pinroduce ng management namin. Ang title po ay Codep, isa po siyang advocacy film na tungkol sa drugs at sure akong makaka-relate lahat ng kabataan ngayon.

“Sa ngayon po, naka-focus muna kami sa group. Puro po rehearsals at workshops ang ginagawa namin para po sa mga upcoming shows ng grupo,” pahayag niya.

Dagdag pa ni Rocky, “Wish ko po na sana mabigyan ako ng pagkakataon na matupad po yung mga pangarap ko. Na mas lalo ko pa pong ma-enhance yung mga talent na ibinigay sa akin ni God at mai-share ko rin po sa iba.

“Iyon po siguro yung pinakamasarap na mangyayari sa career ko, na kahit di man ako sumikat kagaya ng ibang artista, pero maisi-share ko po sa iba yung mga experiences ko rito sa showbusiness, to also inspire them as well.”

Sino ba ang idol niyang actor at wish sundan ang yapak?

“Si John Lloyd Cruz po talaga, sobrang hinahangaan ko po. Alam naman po natin lahat kung ano ang isang John Lloyd… Sobrang galing po niyang umarte, natural na natural, kahit ano pong role ang ibigay mo, nabibigyan niya ng justice.

“Gusto ko po talagang sundan kung saan dumaan si John Lloyd, idol ko po talaga yun pagdating sa pag-arte,” masayang saad pa ng 19 year old na si Rocky na isang Dentistry student sa CEU.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?