35

By

Rocky Gutierrez palit-career, salesman na sa Japan?

Sharing is caring!

By NONIE V. NICASIO

Ang anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama na si Rocky Gutierrez ang isa sa international distributor ng Hokkaido Tracks Resort Properties na matatagpuan sa Japan.

Sinabi ni Rocky ang ginagawa niya rito, “I help in marketing, actually, puwede ring magbenta or anthing we could help the company… kasi it’s a new company. So, tinutulungan namin silang makilala.

“Like me, I didn’t know anything about Hokkaido noong umpisa, I mean, once you learned more about the place, magkakaroon ka ng interest,” panimula ni Rocky na napanood sa mga proyektong ‘Takbo Bilis Takbo’, ‘Codename: Asero’, ‘Patient X’, at ‘Makapiling Kang Muli’.

Patuloy pa niya, “Nagtayo ng kompanya sa Pilipinas ang Hokkaido dahil alam ng owner nito na ang mga Filipino ay mahilig mag-travel at isa ang Japan sa paboritong puntahan. Kasi nakikita ng owner na may potensiyal yung Philippine market to visit Hokkaido. It’s a new vacation spot. It’s the closest place sa Philippines where you could see actual snow. Talagang kung gusto ninyo ng snow, good food, syempre Japanese, e. So it’s a potential destination, vacation for us, Filipinos.”

Balak niya bang dalhin ang family niya sa Hokkaido? “Yeah! ‘Yung family ko, sina Richard, yung dad ko. Richard loves adventures, e, especially Sarah Lahbati, yung asawa niya, they love snow. So noong nalaman nila na Japan is the next place where there’s snow, excited na sila to visit the place,” saad pa ni Rocky.

Ang Hokkaido Tracks ay na-establish noong 2003 ng tatlong passionate skiers na kinilala na ang Niseko ang isa sa world’s great undiscovered ski resorts. Marami na ang nangyari mula noon, mula sa pagiging first international property developer, pormal na pagkilala mula sa Australian at Japanese government, mga challenging events noong 2008 at 2011, at ang pagiging sole owner of the business.

Ito ay isang Japanese company owned by an Australian base in Hokkaido, Japan. Ang presidente nito ay si Simon Robinson. Ibinahagi niya ang pagsisimula nila rito.

Saad ni Mr. Robinson, “The timing was perfect, the region was growing because of the quality of the skiing and we were there at the right time. We were lucky enough to be in the first wave of people that discovered it. And then it started getting discovered, the area was starting to get discovered at Hong Kong, Singapore, Malaysia, all of these regions but not the Philippines.

“Ive been to the Philippines twice, we want to tap the Philippine market. Actually, I’m always looking for the client, I’m looking for real estate client where I can sell them my houses, Im looking for a client who would like to build something, Im looking for a developer client…”

Ayon naman kay Ms. Apple Guzman, head ng Sales and Marketing referral agent. “We have built 200 properties in Niseko-Hirafu region, from concept to completion, we insure your project will exceed expectations. Our services: real estate sales, property management, asset management, project management, rental management, custom homes. The president of the company recognize us as the only referral agent here in Manila, Philippines.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?