8
chris-paul

Rockets, tatapusin na ang Jazz sa pagtala ng 3-1

Sharing is caring!

Nagtala ng double-doubles sina Chris Paul at Clint Capela para pangunahan ang Houston Rockets na patumbahin sa ikatlong pagkakataon ang Utah Jazz, 100-87, Linggo ng gabi (Lunes sa Pinas).

Naiumang na sa 3-1, pabor sa Houston ang Western Conference semifinals duel nila ng Utah.

Posible nang isara ng Rockets ang best-of-seven series nila sa Martes (Miyerkoles sa Pinas) sa Game 5 sa Houston.

Nagsalansan ng 30 first-half points sina James Harden at Chris Paul pero naimintis ang anim nilang pukol sa 3-pointer kaya’t ang depensa na lang ang naging sandigan ng Houston.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?