12
james-harden-2

Rockets pinasabog ang Warriors para itabla ang serye sa 1-all

Sharing is caring!

Umiskor sina James Harden at Eric Gordon ng tig-27 puntos para pangunahan ang balanseng atake ng Houston Rockets tungo sa pagwasiwas sa Golden State Warriors 127-105 para itabla ang Conference finals sa 1-1.

Sa kabuuhan ng laro, hindi naghabol ang Rockets at lumamang ng double figures kada quarter.

Nakatakda ang Game 3 sa Linggo sa Oakland, California.

Nag-ambag si P.J. Tucker ng playoff career-high 22 puntos at 19 naman kay Trevor Ariza na nangapa pareho sa Game 1.

Sa Game 1, isang puntos lang nagawa ni Tucker habang walo naman kay Ariza na nakakuha agad ng ikalimang foul sa third quarter.

Nanguna naman si Kevin Durant para sa Warriors sa kanyang 38 puntos matapos umiskor ng 37 sa Game 1.

Inalat sina Stephen Curry at Klay Thompson na may pinagsamang 24 puntos, malayo sa 46 noong Game 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?