11

Rockets pinasabog ang Spurs sa pagbabalik ni Harden

Sharing is caring!

Nakabalik na mula sa injury si James Harden at agad lumagare ng game-high 28 points para itumba ng Houston Rockets ang kulang sa tao na San Antonio Spurs, 109-93, nitong Lunes (Martes, oras sa Pinas) sa Toyota Center.

Kahit nagmintis ng siyam sa 11 na subok sa 3-pointers, tinapalan naman ito ni Harden ng perpektong 14-for-14 sa free-throw.

Hindi siya nakalaro sa 23-point pananambak ng Rockets sa Dallas noong Linggo dahil sa namamaga niyang kaliwang tuhod.

Dahil sa panalo, lamang na ng dalawang laro ang Houston sa Golden State Warriors sa Western Conference playoffs.

Nagdagdag pa si Harden ng anim na rebounds at anim na assists habang may 18 points at 9 assists si Chris Paul para sa Rockets, na 3-0 na laban sa Spurs ngayong season.

Ika-11 na sunod na talo na ito ng San Antonio para tumabla sa Utah Jazz at Denver Nuggets sa ika-walong puwesto sa West.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?