11
eric-gordon

Rockets pinasabog ang Jazz, 113-92

Sharing is caring!

Tumapos ng playoff-high 25 points si Eric Gordon sa panig ng Houston Rockets, na naiuwi ang 113-92 panalo kontra Utah Jazz, nitong Biyernes ng gabi sa Vivint Smart Home Arena (Sabado sa Pinas).

Naitarak na ng Rockets ang 2-1 series lead nang dakmain ang Game 3 ng Western Conference semifinal.

Nagpakawala agad ng 19-2 na ragasa ang Houston sa pagbubukas ng laro habang nakaselyo ng walo sa 13 niyang pukol sa 3-pointers si Jae Crowder.

Lalaruin ang Game 4 sa Linggo (Lunes sa Pinas) sa Salt Lake City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?