40

Mar 31, 2018 @ 15:53

Rockets pinalamig ng buzzer-beater ang Suns

Pumukol ng 3-pointer sa kanto si Gerald Green sa pagtunog ng buzzer

para apulain ng Houston ang init ng Phoenix Suns, 104-103, nitong Biyernes sa Toyota Center.

Nabanat na ng Rockets sa 11 ang winning streak nila.

Una nito tumira ng jumper si rookie Josh Jackson, may 1.4 segundong nalalabi sa orasan para iabante ang Phoenix matapos magpakawala ng panablang 3-pointer si James Harden, 101-101, 12.2 segundo na lang.

Pero nakawala si Green at kinuha ang inbounds pass mula kay Trevor Ariza para ibaon ang jumper sa harap ng bench ng Houston.

Kinuyog si Green ng mga kakampi matapos i-count ng mga reperi ang tira nito.

Nakumpleto na ng Rockets ang walang dungis na record sa kanilang home court habang nalaglag ang Suns sa ika-14 nilang sunod na pagkatalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?