Rockets dinispatiya ang Jazz, abante na sa Western Conference Finals

Sharing is caring!

Tapos na ang pagkatigang ni Chris Paul. Nitong Martes, pinatalsik na ng Rockets ang Utah Jazz, 112-102, sa Game 5 ng second round ng playoffs.

Aabante na sila sa Western Conference Finals.

Ito ang unang pagkakataon na makakaungos si Paul sa second round sa 13-taon na niya sa NBA.

Posibleng harapin ng Houston ang defending champion Golden State Warriors sa Conference Finals.

Kasalukuyan kasing may bentaheng 3-1 ang Golden State laban sa New Orleans Pelicans sa kanilang Western Conference Semifinals series.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?