31

By

Rocket sa Japan, bumagsak at sumabog matapos paliparin

Sharing is caring!

Bigo ang paglulunsad ng unang space rocket na ginawa ng pribadong kumpanya sa Japan matapos itong bumagsak saka sumabog, may ilang segundo pa lang itong nakakalipad.

Noong Sabado sumabog ang Momo 2 rocket ng Interstellar Technologies Inc., matapos lumipad sa test site sa Taiki, Hokkaido.

Nakapaloob sa plano na dapat umabot sa taas na 100 kilometro sa kalawakan ang Momo 2 sa loob ng apat na minuto matapos nitong lumipad.

May sampung metro ang haba ng rocket na pinalipad dakong alas-5:30 ng umaga.

Nawalan umano ito ng propulsive power kaya bumagsak apat na segundo pa lang ang nakalilipas saka sumabog.

Kaugnay nito, nabigo na rin ang pagtatangka na maglagak ng isang Japanese private rocket sa kalawakan noong Hulyo ng nakaraang taon.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?