471

Apr 10, 2020 @ 9:29
By

Rocket launch ng China sumablay

NEW YORK – Pumalpak ang Long March 3B rocket launch ng China na magdadala sana ng Palapa-N1 communication satellite ng Indonesia patungo sa Geostationary orbit.

Nasaksihan sa madilim na kalangitan sa Mariana islands partikular sa Guam ang pagbulusok ng mga nagbabagang debris mula sa long March 3B rocket na ikinagulat ng mga residente doon.

Lumipad ang March 3B rocket sa Xichang Space center sa Sinchuan Provioce sa China 7:46 am EDT pero pagdating nito sa kalawakan ay nagkaroon ng malfunction at sumabog ito.

Sa isang press statement, kinumpirma ng Commonwealth of the northern Mariana Island Homeland and security and emergency management agency na mula nga sa satellite test launch ang mga nagbabagang debris na bumulusok sa kalangitan ng Guam 9:40 kagabi.

Wala naman umanong banta sa seguridad ng Mariana Islands ang pagsabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?