61

Jan 25, 2020 @ 14:50
By

Rock band ng magpipinsang Fil-Am nominado sa Grammy

Napasama sa taong ito ng mga nominado sa Grammy Awards ang isang rock band sa Daly City, California na binuo ng magpipinsan na Filipino-American noong 1982.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 40 taon, natanggap ng seminal heavy metal band na “Death Angel” ang nomination nila.

Kalaban ng ninth album nilang “Humanicide” para sa Best Metal Performance ang “Astorolus – The Great Octopus” ng bandang Candlemass; “Bow Down” ng Prevail; “Unleashed” ng Killswitch Engage; at “7empest” ng Tool.

Ini-release ang Death Angel album noong Mayo 2019 at nagpabilib na sa Germany.

Pumang-19 sa ranking ang album nila sa Germany, batay sa Offizielle Top 100 of 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?