12

Jan 18, 2021 @ 16:08
By

Rock band dawit sa galit ng mga Converge user

Ibang “Converge” ang pinaglabasan ng himutok ng ilang Filipino netizen tungkol sa kawalan ng internet connection.

Sa Facebook, nilinaw ng American punk band na Converge na “hindi pa sila” internet service provider sa Pilipinas.

Ang Facebook page ng internet provider sa bansa ay Converge ICT Solutions Inc.

“Hey everyone… still just a hardcore band over here. Covid has not forced us to become an internet provider in the Philippines yet, but we hope everyone over there gets their internet access back,” sey ng Converge.

“While you’re here though click the link to our webstore and grab yourself a cool T-shirt or something,” dagdag nito.

Nakalakip din sa parehong FB post ang screenshot ng mga komento habang sinisita ng ilang netizen ang kapwa Pinoy dahil maling Converge ang ginigisa ng mga ito.

Hey everyone… still just a hardcore band over here. Covid has not forced us to become an internet provider in the…

Posted by Converge on Friday, January 15, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?