89

Oct 8, 2017 @ 12:55

Rochelle Pangilinan, nagtataray sa bagong look

Fierce na fierce naman ang look ngayon ni Rochelle Pangilinan. Kaloka nga ang mga photos niya sa Instagram, at bagay naman sa kanya ang bago niyang haircut.

For the longest time nga ay long hair si Rochelle, at ngayon ko lang yata siya nakita na short hair.

Well, bagay nga raw ‘yon sa role niya sa Alyas Robin Hood bilang si Diana dela Vega, ang bagong sekretarya ni Emilio (Edu Manzano). Ibig sabihin ba nito ay magkakaharap din sila ni Venus (Andrea Torres) na ngayon ay nagtatrabaho na kay Emilio? Paano kapag nalaman ni Diana ang planong pagpapabagsak ni Venus kay Emilio?

Samantala, sa mabilis na paglagas ng pamilya ni Pepe (Dingdong Dantes) ay inatake ng matinding kalungkutan ang ating bida. Namatay na ang kapatid niyang si Caloy (Gary Estrada) at ang pamangkin na si Lizzy (Lindsay de Vera) habang hindi pa rin nahahanap ang inang si Judy (Jaclyn Jose).

Hindi na makapag-isip nang maayos si Pepe at tila nawawalan na siya ng ganang ipagpatuloy ang pagiging Alyas Robin Hood. Paano niya lalabanan ang mga kaaway kung meron din siyang sariling pinagdadaanan? (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?