38

Oct 21, 2021 @ 13:19
By

Rocco proud babaero

Ibinunyag ni Rocco Nacino na isa siyang boylet na mahilig magpapalit-palit ng babae.

Anang aktor, binago naman na niya ang pagiging babaero niya.

Ani Rocco, nasaktan kasi siya sa dati niyang nakarelasyon kaya ginawang coping mechanism ang pambababae.

“Kasi, may kuwento ako diyan. Kauna-unahang relationship ko, niloko ako. So naging coping mechanism ko na dapat manloko ako… Yes, ako ‘yung mananakit. ‘Kailangan palitan kita,'” ani Rocco.

“Tapos after so many years doon ko na-realize, mali pala ‘yung ginagawa ko,” pagpapatuloy niya.

Sambit niya, ang mga mahal niya sa buhay ang tumulong sa kanya na makita ang pagkakamali nya.

“So noong napagalitan ako, inupo ako ng mga taong nagmamahal sa akin sa buhay ko. ‘Ay mali pala,'” sey niya.

Nito lamang Enero ikinasal ang aktor sa volleyball player na si Melissa Gohing. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?