355

Jan 25, 2020 @ 14:49
By

Rocco pinasilip ang pinagpawisang bahay

Masayang ipinasilip ni aktor Rocco Nacino, na boyfriend ng volleybelle star na si Melissa Gohing ang ipinatayo niyang dream house na bunga na rin ng kanyang pagsisikap.

Si Rocco at Melissa ng PVL, Creamline Cool Smashers ay mahigit 2-taon na ring magkarelasyon kung saan naging gf din nito si Lovi Poe.

Sa kanyang Twitter account ay tila di matatawaran ang naramdamang saya ng actor nang matupad nito ang matagal nang pangarap na maitayo ang kanyang dream house.

“Ipinapakilala sa inyo, ang aking soon to be!,” pahayag nito habang nakatanaw sa bonnga niyang future home.

“Landscaping work to be done next. Electric fence and cctv nalang, pwede nang lumipat! Haha konting kayod pa para sa mga gamit sa loob. Let’s go Rocco, claiming this year na makalipat na!,” saad pa nito.

Nauna rito, taong 2018 ay ibinahagi ni Rocco ang kanyang goal sabay pakita ng litrato ng isang lote sa Antipolo, Rizal kung saan itatayo ang kanyang future home.

Sa ulat ng PEP.ph noong nakaraang taon ay natanong ang actor kung kelan ito mag-aasawa.

“Ang dami nga nagtatanong, ‘Kailan ka magpapakasal?’

“Sabi ko, ‘Hindi naman ako magpapakasal na wala akong bahay,’ sagot nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?