658

By

Rocco Nacino at volleyball player Melissa Gohing magdyowa?

Shookt ang fans sa nakita nilang Instagram photo ni Fille Cainglet, ang volleyball player na misis ni Direk Lino Cayetano.

Eh kasi naman, may kakaibang eksena sa picture na ‘yon, na hindi talaga pinalagpas ng followers niya.

“Last night was fun! Lots of catching up with these amazing people! Love you forever my #pocarisweatladywarriors team! Merry Christmas! @lunacoffeeph,” simpleng caption ni Fille.

Pero sa bandang harap ng photo, mapapansin mo na may isang lalake na pamilyar ang mukha. At yes, si Rocco Nacino ang lalakeng ‘yon, na ang katabi, at parang kayakap pa niya, ay ang volleyball player (libero) na si Melissa Gohing.

Siyempre, nag-fiesta ang followers sa kaniya-kaniyang comment.

akosioteprn “Rocco nacino ba yon? And mel gohing?”

strawberrykeigh “Omg si Rocco tsaka si Mel?

sharifanuluddin “Mag-on sila?”

rociannedizon “Infeyr, bagay sila!”

Well nu’ng nag-check kami sa mga Instagram account nila, wala kang makikita na photos na magkasama sila. Pero, nu’ng first week ng December, may mga picture sila na pareho silang nasa Japan.

Well…

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?