21

Jan 23, 2021 @ 10:44
By

Rocco Nacino ‘thankful’ sa misis

Ibinahagi ni Kapuso star Rocco Nacino sa kanyang Instagram ang isang sweet letter para sa kanyang misis na si Melissa Gohing.

Ani Rocco sa liham, nakaranas siya ng “stress” mga araw bago ang kanilang kasal dahil sa posibleng pag-ulan.

Aniya, naisip niya ring i-reschedule na lamang ang kasal.

“Worrying got the best of me and was stress eating again, thinking of plan B’s, if I should purchase umbrellas, or even possibly rescheduling everything,” saad niya sa naturang post.

“But I learned that as you raise all your concerns to God, He will listen and surprise you. True enough, we were gifted with the beautiful sunset and weather we were dreaming for. Not one rain drop,” dagdag pa niya.

Sambit niya, tinuruan siya ni Gohing na laging tumingin sa mga positibong bagay tuwing nalalagay sa hindi magandang sitwasayon.

“[T]his woman whom I now call my wife, who teaches me to see the positive side of every bad situation. I’m so excited for the married life with you my love!” saad niya.

Nobyembre ng nakaraang taon isapubliko ng dalawa ang kanilang engagement.

Kahapon nang i-anunsyo ng aktor na kinasal na sila ni Gohing sa isang barko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?