138

Oct 4, 2017 @ 14:48

Rocco Nacino, talunan sa gold sa Jiu-Jitsu competition

NASUNGKIT ni Rocco Nacino ang bronze medal sa nakaraang Jiu-Jitsu competition na ginanap sa MOA kamakailan. Ipinost ni Rocco ang larawan niya matapos ang game, habang nakasabit sa leeg niya ang award.

Bagama’t nabigo sa gold medal si Rocco ikinatuwa na rin niya ang pagkakapanalo dahil sa mga natutunan daw niya at sa realization niyang mag-training pa nang husto para sa susunod niyang laban.

“Definitely an eye opening weekend for me last Saturday. Lost my matches to get the bronze. But happier with the lessons I brought home that day.

“So much to improve on, and excited to be back on the mats. Enjoying the level of competition at the purple belt division! Osss! #JiuJitsu #FaixaRoxa,” sabi ni Rocco.

Hindi man grand winner si Rocco, champion naman siya sa puso ng kanyang mga fans.

Matatandaang puspusan ang naging training ni Rocco nitong nakaraang buwan bilang paghahanda sa kanyang laban. (REY PUMALOY)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?