117

May 16, 2020 @ 22:09
By

Rocco, GF nagpakain ng mga sundalong naka-quarantine

Magkatuwang ang aktor na si Rocco Nacino at girlfriend niyang si Melissa Gohing sa pagtulong sa mga marine soldier na naka-quarantine.

Nagdala sina Rocco at Melissa ng makakain ng mga naka-quarantine na sundalo.

Nagpasalamat din si Rocco sa mga kapwa niya mga reservist at volunteer na nagtutulong-tulong para labanan ang COVID-19.

“Supported yesterday’s feeding activity for our quarantined marine soldiers spearheaded by Brigadier General Cherisse Manzano of the Marines. Pinuntahan namin ni @gohingmelissa at ng team S.T.A.R.S ng Philippine Navy ang mga frontliners natin upang mapasalamatan sila nang personal sa tulong na ginagawa nila para satin,” ani Rocco sa Instagram post.

“Isipin mo, pagkatapos mo magserbisyo, kailangan mo pa rin magpaquarantine. Imagine yung tagal na di mo makakasama ang pamilya nyo. Strict contact policy kahapon, kaya kwentuhan from afar nalang ang naganap with our frontliners,” dagdag niya.

View this post on Instagram

Supported yesterday’s feeding activity for our quarantined marine soldiers spearheaded by Brigadier General Cherisse Manzano of the Marines. Pinuntahan namin ni @gohingmelissa at ng team S.T.A.R.S ng Philippine Navy ang mga frontliners natin upang mapasalamatan sila nang personal sa tulong na ginagawa nila para satin. Isipin mo, pagkatapos mo magserbisyo, kailangan mo pa rin magpaquarantine. Imagine yung tagal na di mo makakasama ang pamilya nyo. Strict contact policy kahapon, kaya kwentuhan from afar nalang ang naganap with our frontliners. Muli, salamat sa inyo, sa officers natin, at sa kapwa natin reservists at volunteers na nagtutulong tulong para makabangon tayo agad. Snappy salute! #PhilippineNavy

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?