209

Jun 22, 2019 @ 15:44
By

Rocco, excited nang gampanan ang kamukhang si Jin Goo

Nasasabik at honored si Rocco Nacino na maging bahagi ng huge project ng Kapuso Network na “Descendants of the Sun” Philippine remake.

Sa kanyang Instagram post sinabi ni Rocco na nagtataka siya dati kung bakit tina-tag siya matapos ang “Encantadia”, iyon pala’y dahil ka-lookalike niya ang Korean actor na si Jin Goo.

Ngayon gagampanan niya ang karakter ni Jin Goo na si Wolf/Sgt. Seo Dae Young sa PH version ng “Descendants of the Sun”. Kikilalanin siyang si Sgt. Diego Ramos.


Unang umere ang sikat na K-drama tungkol sa military romance noong 2016 sa GMA 7.

Makakasama naman ni Rocco sina Dingdong Dantes at Jasmine Curtis-Smith.

Si Dingdong ang gaganap sa bidang si Captain Lucas habang si Jasmine will portray Moira Defensor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?