219

May 10, 2021 @ 17:54
By

Robredo spox kay Roque: Lakas loob maghamon ng debate umatras naman

Bumuwelta ang tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo kay Presidential Spokesman Harry Roque matapos hamunin ng debate ang Pangalawang Pangulo kaugnay sa West Philippine Sea issue.

“Anlakas ng loob maghamon, eh ‘yung unang debateng hiningi inatrasan naman,” patama ni Atty. Barry Gutierrez sa Twitter post nitong Lunes.

Pinayuhan niya ang Malacañang na magpokus na lamang sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

“Mas mabuti pa, tularan na lang ninyo si VP Leni: magtrabaho na lang kayo. Dami nyong oras eh.”

Hinamon ni Roque si Robredo na sila na lamang ang magdebate kung talagang ayaw sa kanya ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.

Ani Roque, katulad ni Carpio ay isa si Robredo sa nagsasabing nawala ang mga teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng panunungkulan ng administrasyong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?