281

Jan 22, 2021 @ 18:14
By

Robredo spox kay Mocha: ‘Wag mo kami idamay sa kalokohan mo

Nag-react ang Office of the Vice President (OVP) sa pagdawit ni Mocha Uson kay VP Leni Robredo sa balitang buntis siya at si Robin Padilla ang ama.

Ito ay matapos sabihin ni Uson na tsismis lamang na nabuntis siya ni Padilla at gusto lang siyang siraan ng mga “bitter” sa gobyerno dahil kulelat sa survey si Robredo.

“Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nilang si Robredo kaya kung anu-ano paninira ang iniimbento nila,” pahayag ni Mocha sa kanyang Facebook post nitong Biyernes.

Resbak ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez: “Huwag nga niya kaming idamay sa kalokohan niya.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?