122

Jul 29, 2021 @ 21:34
By

Robredo spox bumuwelta kay Trillanes: Mag-text ka kesa tweet

Niresbakan ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo si dating senador Antonio Trillanes IV sa mga paratang nito sa pangalawang pangulo.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, komunikasyon at hindi tweet ang susi upang maplantsa ang anumang isyu mayroon ang dating senador sa bise presidente.

Himutok ni Trillanes, tinanggihan ng bise presidente ang hiling nilang meeting pero nakipagpulong kina Senador Panfilo Lacson at Senador Richard Gordon.

“Sa mga nagtatanong kung bakit ako nagtweet agad instead na makipagmeet kay VP Leni para magkaliwanagan, ito po ang dahilan: Simula January, ako/Magdalo, and later on through Tindig Pilipinas, ay nagrerequest ng meeting kay VP Leni para nga masimulan na ang preparation.

“Subalit, AYAW NYA kaming imeet dahil kasalanan daw sa Diyos na pag-usapan ang 2022 elections habang may pandemya. Meron lang syang representative na pinapakausap sa akin. As to texting directly, for security reasons di rin ito pwedeng gawin. Tapos malalaman namin na sina Nonoy Andaya, Ping Lacson, at Gordon ay mineet nya,” paliwanag ni Trillanes.

Pero sagot ni Gutierrez, “If I may say so, Senator Trillanes’ concerns, you know, are better addressed with a text message rather than a tweet. If he had questions about kung ano-anong pinag-usapan sa meeting, ibig sabihin ba nito ganito, ganyan, then he should have just reached out, ‘di ba.”

“He says he considers himself an ally. He has repeatedly said he considers the Vice President the leader of the opposition and that she should run and he will give way as president, and yet every time something like this happens, instead of reaching out to the VP or to anybody within the Liberal Party, he will immediately come up with this kind of declaration,” dagdag niya sa panayam sa ANC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?