160

Sep 18, 2021 @ 15:06
By

Robredo sinisi mga troll sa mababang survey rating

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na isa sa mga dahilan kaya mababa ang nakukuha niyang puntos sa mga survey ay dahil sa mga troll.

“Isa — isa sa mga malalaking bagay, tayo kasi we can only speculate,” pahayag ni Robredo.

“Sa social media, marami iyong mga anonymous accounts. Alam naman natin marami iyong mga troll armies. Naging masikip kasi talaga masyado iyong daluyan ng communications in the last six years dahil iyong propaganda talaga umiral, eh,” paliwanag pa niya.

Sa kabila nito ay wala raw sa bokabularyo niya ang bumuo ng sariling troll army.

Giit niya, dapat tapatan ng katotohanan ang kasinungalingan.

“Alam mo, kapag tinapatan natin iyan, anong kaibahan natin sa kanila, ‘di ba? Papaano pa tayo magkakaroon ng moral ascendancy na sabihin na mali sila? Ang dapat, tapatan natin iyong kasinungalingan with the truth,” saad niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?