25

Sep 22, 2020 @ 11:24
By

Robredo sinagot pesticide statement ni Duterte

“Hindi masosolusyunan [ang pandemyang COVID-19] sa pag-spray ng pesticide sa Manila galing sa eroplano. ?”

Tugon ito ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo sa banat sa kanya ni Presidente Rodrigo Duterte kagabi.

“Now, you might be hearing of critics and ‘yung walang magawa, that we are not doing enough. Ano mang enough ang gusto ninyo? May hospital, may kama, at may punerarya,” sambit ni Duterte sa kanyang mensahe sa bayan, Setyembre 21.

“Alam mo Leni, kung gusto mo, if you really want to do away with the COVID-19, sprayhan natin itong Pilipinas o Manila ng pesticide para patay lahat,” aniya pa.

Napanood umano ng Pangalawang Pangulo ang presscon ni Duterte at hindi napigilang magkomento.

“Di ko matiis magkaroon ng takeaways. Hindi yata sapat na basta may ospital, kama at punerarya, ang kailangan na lang gawin ay maghintay ng vaccine,” ani Robredo sa kanyang Facebook account.

Tinukoy niya ang apat aniyang pangunahing hamon na kinahaharap ng bansa, kabilang ang pagsugpo sa pandemya, kahirapan, kawalang-trabaho, at inklusibong pagbangon ng ekonomiya.

“Yung number 1 po, hindi ma sosolusyunan sa pag spray ng pesticide sa Manila galing sa eroplano,” wakas niya pa sa FB post kalakip ang smiley emoji.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?