58

Jul 20, 2021 @ 17:00
By

Robredo sa VP bid ni Duterte: Sana hindi mo pagdaanan pinagdaanan ko

Nagbigay ng wish si Vice President Leni Robredo sakaling ipursigi at manalo sa vice presidential race sa 2022 elections si Pangulong Rodrigo Duterte.

“I don’t like to debate on the legality. Kung tumakbo siya at manalo siya, wish ko sa kanya, sana hindi niya pagdaanan ang mga pinagdaanan ko noong VP ako,” pahayag ni Robredo sa sidelines ng COVID-19 vaccine express project para sa mga public utility driver sa Maynila.

Walang binanggit si Robredo na halimbawa tungkol sa sinasabi niyang mga pinagdaanan bilang VP.

Kamakailan sinabi ni Pangulong Duterte na tatakbo siya sa pagka-VP para makaiwas sa demanda.

Mayroon aniyang immunity from suit ang presidente at bise presidente kaya para hindi siya mademanda ng dalawang kritikong sina dating senador Antonio Trillanes IV at dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ay tatakbo siya sa vice presidential race.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?