47

Aug 21, 2021 @ 12:51
By

Robredo sa pagsirit ng patay sa COVID: Lockdown hindi na nakakatulong

Nag-react si Vice President Leni Robredo sa pagtaas ng bilang ng namamatay sa bansa dahil sa coronavirus.

Aniya, sanhi ito ng kakulangan ng mga ospital na maaaring pagdalhan sa mga pasyente.

Pero aniya, ilang buhay pa ang kailangang mawala bago tanggapin ng gobyerno na maraming ginagawa na hindi tama.

“We have seen far too many deaths caused by the unavailability of hospitals that can take our patients in. Ganito na sitwasyon noong nakaraan na surge. Ganito ulit ngayon. Ilang buhay pa ba ang mawawala bago natin tanggapin na marami tayong ginagawa na hindi tama?

“Parang hindi na rin nakakatulong ang iba’t ibang classifications dahil ECQ man o hindi, tila pareho pa rin ang galaw ng ating gobyerno — walang #AyudangSapatSaLahat, ‘di sapat ang testing, kulang ang mga ospital beds, underpaid ang ating frontliners, kulang sa supplies, at marami pang iba,” pahayag ni Robredo sa Facebook post.

“Bilang isang volunteer sa initiative ng aming opisina na Bayanihan E-Konsulta, saksi kami sa paghihirap ng napakaraming pamilya sa paghahanap ng disente at maayos na pagamutan.

“May pasyente kaming natulungan na kailangan maiadmit agad, hanggang ngayon nasa wheelchair pa rin siya sa labas ng ospital.

“Hindi man kami nakaduty sa ospital, ramdam namin ang paghihirap ng mga health workers pati na rin ng mga pamilyang may pasyente dahil sa Covid,” patuloy niya.

Kagabi ay pumalo sa 317 ang bagong namatay sa PH COVID kaya umakyat sa 31,198 ang COVID death toll ng Pilipinas habang nabasag din ang record ng bansa sa single-day increase sa naitalang 17,231 bagong kaso.


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?