80

Jul 4, 2020 @ 18:48
By

Robredo sa pagpasa sa Anti-Terror Act: Nanghina ako

Dismayado si Vice President Leni Robredo nang malaman na pinirmahan na bilang batas ang Anti-Terror Bill sa kabila ng mga pagbatikos dito.

Ani Robredo sa panayam sa DZMM, naglalaman ang Anti-Terrorism Act of 2020 ng mga probisyon na bukas sa pang-aabuso.

“Nung nalaman ko na nilagdaan, parang nanghina ako. Nakakalungkot. Frustrating. Kasi ginawa ito sa kabila ng nasa gitna tayo ng matinding pandemya. Ginawa ito sa kabila ng maraming pagtutol ng maraming sektor,” sambit niya.

“‘Yung sa akin, kaisa naman ako sa paniwala na ang terorismo ay malaking problema ng ating bansa at dapat talagang maghanap tayo ng paraan para masugpo ito pero sa akin kasi ‘yung timing, ‘yung prosesong nangyari sa House of Representatives, ‘yung ilang probisyon na palagay ko at palagay ng marami ay napakabukas ito para sa pang-aabuso,” paliwanag pa niya.

Dahil dito, nanawagan siya sa publiko na i-challenge ang constitutionality ng bagong pasang batas sa Mataas na Korte.

“Sana huwag tayong mawalan ng pag-asa… Kahit pinanghinaan tayo ng loob, pansamantala lang ito. Ang laban nandiyan pa rin,” giit ng Bise Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?