53

Mar 8, 2021 @ 12:06
By

Robredo sa mga babae: Mamuno tayo

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang kababaihan na “sagutin ang panawagan sa pamumuno” at “magtipon-tipon” upang maipagpatuloy ang kampanya para sa pagkakapantay-pantay ng mga kasarian.

Sa kanyang mensahe sa International Women’s Day, kinilala rin ni Robredo na bagaman marami nang nakaka-proud na nakamit sa laban para sa gender equality, “mahaba pa rin ang daan” patungo sa tagumpay.

Kaya dapat aniyang magsikap ang mga babae at mga kaalyado nila para makamit ang isang mas patas, mas mabait at mas makatao na mundo kung saan walang sinumang mapag-iiwanan.

“Today we affirm the strength of women, and celebrate the years of tireless struggle that our foremothers went through so that the women of today have wider pathways to empowerment,” sambit ng Bise, Marso 8.

“Today is a reminder of the imperative: We need to band together to continue the work. We need as many women and allies as possible banging against the glass ceiling and creating spaces where all genders can flourish and contribute to society.”

“Because progress hinges not on the brilliance of a few, but in the sustained united effort of all. So as we honor the victories of those who came before, let us blaze new trails for others to follow. Let us answer the calls to leadership, face the trials of our time with resolve, and strive towards a fairer, kinder, more humane world, where no one is left behind,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?