28

Apr 18, 2021 @ 19:16
By

Robredo: Registration para sa bakuna gawin kada bahay

Inudyukan ni Vice President Leni Robredo ang mga LGU na magbahay-bahay para sa registration sa COVID-19 vaccine.

Dahilan ni Robredo, hindi lahat ng tahanan ay may internet connection kaya’t mas mabuting hindi lang online ang registration.

“Napansin ko, hindi siguro sa lahat ng LGU, pero maraming LGU na online ang pag-register. Ang problema sa online registration, marami tayong mga kababayan na hindi kaya ‘yon,” saad ni Robredo sa BISErbisyong Leni.

Sa datos ng National Task Force Against COVID-19, aabot na sa 1,255,716 bakuna ang nagamit sa bansa buhat nang magsimula ang rollout noong Marso.

162,065 dito ay nakatapos na sa kanilang ikalawang dose ng bakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?