145

Dec 21, 2019 @ 20:28
By

Robredo pinagkalooban ng P5M ang mga mangingisda sa Albay

Nag-turnover ang Office of the Vice President ng P5 milyon sa mga munisipalidad ng Tabaco at Bacacay sa Albay.

Ito’y para matulungan ang mga mangingisda sa nasabing rehiyon sa ilalim ng programa ng Bise Presidente na “Angat Buhay”.

Ang P2 milyon sa Bacacay ay para sa mga fish cage habang ang P3 milyon ay maaaring gamitin ng mga mangingisda sa Tabaco para makabili ng dalawang fiber glass motorized boat at mapalawak ang kanilang Lambaklad project, isang malaking fish trap.

Binisita rin ni Robredo ang mga bayan ng Claveria at San Pascual sa Burias Island, Masbate para mamahagi ng tulong sa mga nabiktima roon ng bagyong Tisoy.

Isa ang Masbate sa mga lugar na pinaka-grabeng pininsala ni “Tisoy”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?