9,254

By

Robredo: Paano ako magtatrabaho kung ayaw ibigay ang high-valued target list?

Sinagot ni Vice President Leni Robredo ang hindi pagbibigay sa kanya ng high-valued target list ngayong co-chair ng Inter-Agency Committe on Anti-Illegal Drugs.

Sa kanyang radio show na ‘BISErbisyong Leni’ nitong Linggo, sinabi ni Robredo na ang unang inatas sa kanya ay siguraduhin na mahuhuli ang lahat ng high profile drug criminal, ngunit hindi niya ito magagawa kung wala ang listahan.

“Paano ko gagampanan ang first function ko? Ensure the arrest of HVT targets, paano ko maeensure na hindi ko nga alam?” saad ni Robredo.

Saad pa ni Robredo, wala naman siyang sasabihan ng nasabing listahan at mananatiling pribado sa pagitan nila ni Philippine Drug Enforcement Agency chief Aaron Aquino.

“Private communication yun kay Chairman (Aaron) Aquino. Para magkaroon kami ng maayos na database. Pag hindi mag cooperate, nasa kanila naman yun,” aniya pa.

Nakiusap din si Robredo na sana’y iwasan na ang pagpapatama lalo’t kabilang na siya sa gabinete at hawak pa ang isa sa key program ng administrasyon na drug war.

“Wala na tayong time para magpaligsahan. Hinihingi natin yung listahan kasi paano tayo mag mo-move forward? Nasa kanila yung bala. Sana wala na yung sinasabi o ginagawa na nakakasama ng relasyon.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?