20

Feb 28, 2021 @ 23:35
By

Robredo nalungkot sa balitang ipagpapalit Pinoy nurses para sa bakuna

“Noong nabasa ko sa balita parang, nakakalungkot kasi parang commodity ‘yung ating health workers” – ito ang ipinahayag ng ni Bise Presidente Leni Robredo sa balitang ipagpapalit ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga Pilipinong nurse para makakuha ng COVID-19 vaccine mula United Kingdom.

Hiling niya, huwag naman sanang umabot sa puntong isasaalang-alang ang kapakanan ng mga health worker para sa bakuna.

“Medyo nakakalungkot ‘yun e kasi parang ganun na ba tayo ka-desparate na, alam ko desparate tayo for a vaccine, pero huwag naman at the expense ng ating health workers,” saad niya sa kanyang lingguhang radio show.

Kaugnay ito sa pahayag ni Bello na magpapdala ang bansa ng mga nurse pagkatapos magbigay ng UK ng mga bakuna kontra COVID-19.

“Before we even send them, you provide us with the vaccines so that they can be vaccinated,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?