316

Mar 6, 2021 @ 0:06

Robredo nagtaka sa pangunguna ni Sara Duterte sa presidential survey

Kailangan umanong pag-aralan kung bakit karamihan ng mga Pilipino ay naaakit sa klase ng pamumuno na katulad kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang opinyon ni Vice President Leni Robredo sa pangunguna sa presidential bet survey ni Davao City Mayor Sara Duterte.

“Kailangan natin ‘yun seryosong pag-aralan. Bakit ‘yung karamihan sa mga Pilipino, attracted sa ganitong klaseng pamumuno?” lahad ni Robredo sa panayam sa “The Mangahas Interviews”.

“Kailangan natin ‘yung harapin. Hindi puwede ‘yung sasabihin natin na ‘Hindi totoo ‘yung survey.’ Kailangan nating tanggapin na bakit ‘yung impression ng isang tao sa ganitong klaseng leadership, bakit kaya ganun ‘yung naging preference,” dagdag niya.

Makakatulong daw ito para malaman kung anong klaseng pamumuno ang hinahanap ng mga tao.

“Kasi makakatulong eh, makakatulong sa pagbibigay ng ibang klaseng leadership na tutugunan pa din ‘yung kanilang mga saloobin,” aniya. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?