275

Oct 15, 2019 @ 17:10
By

Robredo nagparinig kay Marcos: ‘Di ko ugaling magnakaw!

Natawa si Bise Presidente Leni Robredo sa pahayag ng natalong vice presidentiable na si Bongbong Marcos dahil ninakaw daw umano nito ang dapat sana’y kanyang termino, at sinabing sa pagitan nilang dalawa, hindi niya ugaling magnakaw.

“Parang nakakatawa naman na siya ang nagsasabi n’on. Kasi between the two of us parang ‘di ata ako ang may ugaling mag-rob,” saad ni Robredo sa isang press conference ngayong Martes, Oktubre 15, 2019.

“Lahat ng na-achieve ko, pinagpaguran ko. Wala akong fake diploma. Hindi ako naglalabas ng fake news,” pasaring pa niya.

Natuwa rin ang kampo ng Bise Presidente sa utos ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na ilabas na ang resulta ng initial na recount kaugnay ng poll protest ni Marcos.

“Napakagandang balita nito kasi, una, malalaman na ng publiko kung ano talaga nangyari noong recount,” saad ni Robredo.

Giit ni VP Leni, dapat matagal nang binasura ng PET ang protesta ni Marcos.

“Ilang panalo pa ang kailangan para maniwala siya [Bongbong Marcos] na hindi siya ang nanalo?,” usisa ni Robredo.

“In accordance to the PET rules, magpapatuloy lang yung protest kung mayroon siyang substantial recovery. ‘Pag nakita n’yo yung report, wala talagang substantial recovery,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?