33

Oct 9, 2021 @ 15:21
By

Robredo nagluksa sa pagpanaw ng CHR chief

Nakiramay si Vice President Leni Robredo sa pagpanaw ni Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon sa edad na 57 dahil sa coronavirus.

“Ang dami niyang natulungan. Ang dami niyang na-inspire sa kanyang tapang at paninindigan. He was a constant light in these dark times. It is now up to all of us to tend to this light,” sambit ni Robredo sa inilabas na mensahe.

Naalala raw niya si Gascon bilang isang “student leader, advocate, and mentor that so many looked up to.”

“Noong estudyante ako sa UP, sa mga martsa namin laban sa diktatura, si Chito ang nanguna bilang chair ng UP student council. Binuksan niya ang pinto para makilahok nang mas malalim ang napakarami sa demokrasya natin,” saad pa niya.

“Rest in peace, Chito. Mananatili ka lagi sa puso naming lahat,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?